Since I was a kid, mahilig na talaga ako magsulat sa kung saan saan. I remember, meron akong isang notebook wherein puro drawing ng mga babaeng naka gown.. Pero hindi ako artists in a sense na magaling mga drawing.
Grade 6. I started this thing sa circle of friends na magtawagan kami ng mga favorite disney princesses.. Jasmine, Cinderella, Snow White, Aurora and syempre ako si Belle. At hindi pa dyan nagtatapos ang lahat. Sinimulan ko rin ang laro na magsulatan kami ng letters na kunwari kami talaga yung disney princesses..
(example: "Dear Cinderella, nahanap mo na yung Prince Charming mo diba? Pano mo nahanap yung sapatos mo? Dinala nya ba sa'yo? Kami? Okay lang kami ni Beast dito. Hihintayin ko sagot mo ha?? Love, Princess Belle")
Pag dating nung High School, lumipat na yung ibang mga Prinsesa. Tatlo na lang kaming natira. At dalawa na lang kaming nagsulatan.
1st year. Hindi na kami mga prinsesa. Totoo na kami. Sariling pangalan na ang ginamit. At ang usapan? CRUSH. :)
2nd year. Hindi ko alam kung bakit umabot pa ng isa pang taon ang ganitong pamamaraan. At mind you, hindi lang crush ang topic namin.. CELEB CRUSH. HAHAHAHA. Ewan ko ba. Bakit ba hindi namin mapag usapan ang mga bagay bagay sa personal. Labo.
At pagkatapos ng taon na yun, hindi na kami nagsulatan ulit. HAHAHA.
Ewan ko. Siguro, na realize namin na much better kung personal namin paguusapan ang mga bagay bagay. Uso na kasi ang telepono ng mga panahon na 'to. Dun naman kami tumutok. HAHAHA.
Well, nadagdagan man ang assignment at projects namin gabi-gabi para lang makasulat sa mga stationery na may glitters pa.. Okay lang. Bonded Achieve!
-------
2nd year, Summer. Nagsimula akong magsulat ng mga storya. Wala lang. Yung tipong pang teenager talaga. Tapos yung characters, mga kaklase ko. Ganun lang.
3rd year. Sumeryoso ang pagsusulat ko. Sariling character. Sariling Settings. Sariling Plot. Sariling Happy Ending. Well, in all fairness na umabot sa ilang Cattleya notebook ang storya ko. Hindi lang yan, may part 2!!
Sobrang tuwa ko nung na-realize ko after ko masulat.. SUCCESS!
When I auditioned as a scripwriter sa isang theatre group here in Laguna. Ginamit ko yung story as a piece.
And yes, I Got it! Hindi pa ko nagsusulat for them but I also auditioned as an Actress kasi friend ko yung director, and that's another story.
I make writing as a hobby. Blogging as a hobby. And I will try to make it a point na it is a habit.
So kung ikaw, alam mo na mahilig ka rin talaga magsulat. GO! Start your own blog! Or either use the pen and ballpen way. Wag natin sayangin ang mga simpleng ideas na nabubuo.. believe me, hindi yan mag stay sa utak for long.
Lezzgow writers and bloggers and readers! Have a happy sulat! :">