20101129
Expectations.
isang salita na kahit anong gawin mong pag iwas. HINDING HINDI mo mapipigilan. sabihin man nya na wag mong gawin pero kapag naramdaman mo naman na ganun yung pinaparamdam nya sayo, pareho lang ang kalalabasan. e ganun talaga e. hindi mo nga minsan malaman kung ikaw lang ba talaga ang nagiisip ng ganun o talagang may mga tao na nagpapaasa para sa mga pakiramdam na hindi naman nila dapat iparamdam. hindi ba? magulo talaga. walang kasiguraduhan. walang tamang pakiramdam. hindi mo malaman kung mali ba o tama. kung ititigil mo ba o ipagpapatuloy. e ganun daw talaga e. buhay nga naman. EXPECTATIONS nga naman. ano nga bang magandang bagay na gawin para pigilan? wala naman diba? ma-paranoid ka man kakaisip. hinding hindi mo pa rin masasagot ang mga katanungan na bumubuo sa isip mo. pero bakit nga ba natin nararamdaman 'to? assuming ba talaga ang tao? o hindi mo lang kayang pigilan ang nararamdaman mo?