20110122

WANTED: Prince Charming

... may pleasing personality, 2 or more cars, big house sa alabang, puno'm puno ang bulsa (you know what I mean) at iba pa.

Aminin mo man o hindi, ganyan ang explanation mo sa isang prince charming na moderno. Ihahatid ka sa bahay nyo dala-dala ang bagum-bago nyang VIOS na pula. Magbibigay ng mga kung anu-ano. Pakikiligin ka sa mga super sweet text messages. Ililibre ka kung saan saan. At yung tipo na 'trophy boyfriend/girlfrien' ika nga.

Kung isasakto pa nga e, ang gusto pa e yung mismong 'crush' mo. Tama ba ko? Ganyan din ako e. Minsan. Kapag nakukulong ako sa buhay imahinasyon. Minsan e okay lang naman. Pero mas nangingibabaw yung hindi. kapag kasi naisip na natin, hahanapin mo na sa realidad. At kapag hindi mo nahanap, ikaw rin ang kawawa. Swerte na lang kapag nagka totoo.

Wala naman kasi talagang Prince Charming. (YATA?)

May mga pelikula na kapag pinanuod natin, dadamdamin natin buong araw, iimaginin natin yung sarili natin sa sitwasyon na yun at gagawa tayo ng sarili nating ending. Happy man o Tragedic. Ikaw ang bahala. Imahinasyon mo ang nag kokontrol sayo.

Minsan, naiisip ko nga, pinapaasa lang tayo ng mga pelikula na yan e. Lalo na kapag nilagay mo dun si John Lloyd Cruz at kung sino pang artista. Yung mga tipo ng gwapo at maganda ha? Syempre, dahil ilalagay natin ang buhay imahinasyon natin sa sitwasyon nila sa pelikula na yun, GWAPO rin ang hahanapin natin. Mayaman rin. Minsan kahit hindi mayaman basta gwapo, okay na okay na. Vice versa.

Hindi naman talaga bawal o masama humiling ng mga ganung tipo ng tao na darating at guguluhin ang buhay pag-ibig mo. Meron kasi na doon na lang nabubuhay. ENGGGKK (error sound). REALITY CHECK PLEASE. [insert password]

Oo. Sino ba namang tatanggi sa isang tunay na prince charming? Yung mga tipo pa na nakasakay sa white horse at may dala-dalang sword na nakatali sa gilid ng kanila baywang. Machong-macho ang dating.

Pero dapat rin siguro nating tanggapin at yakapin ang katotohanan na 10% of sale lang yan. Mahal pa. Hindi pinipili. Hindi kinukuha. Hinding hindi. Kung ano ang dumating, sige. Sungab powers. Kung walang dumating, sige. Iiyak ka na lang? HINDI. PINALAGPAS MO LANG ANG SARILI MONG PRINCE CHARMING KASO NABULAGAN KA NG IMAHINASYON MO KAYA KA MAGKAKAGANUN.

Harapin ang katotohanan. Masakit man yan o hindi. Gwapo man yan o hindi. Mayaman man yan o hindi. Mabango man yan o ehemmm. Alam mo na ang susunod. :)