20120316

Sudden Hypophrenia

Nalulungkot ako. Nalulungkot ako sa dahilang hindi ko malaman. Hindi ko maintindihan. Bigla bigla na lang. Minsan parang ang sarap saktan ng sarili. Hindi dahil baliw o naloloka na. Kung hindi dahil nalulungkot nga. Nalulungkot ako ng walang dahilan. At kapag inatake na ko ng kalungkutan, kung ano ano na ang pumapasok sa matabang utak. Nalulungkot na kahit yung mga bagay na hindi ko dapat ikalungkot ay ikinalulungkot ko. Masaklap na pakiramdam. Ganito na ba ang uso ngayon? Yung walang pasabi. Yung pabigla bigla. Yung walang pakundangan at pakiramdam na may mabibigla sa pagdating nya. Naiinis ako sayo. Hindi mo man lang ako binigyan ng magandang dahilan bago ka maramdaman. Ano ba. nalulungkot na naman ako. Kainis!


kailangan ko kayo ngayon mga kaibigan.. saan ka?